Ang Pistang Kristiano

Ang Pistang Kristiano
 
  Thousands are expected to converge at the Folk Arts Theater for this year’s Pistang Kristiano to be held on May 1, Friday, from 7:00AM to 6:00PM at the Folk Arts Theater, CCP Complex, Pasay City. Pistang Kristiano is an annual nationwide gathering of the Christian community in celebration of God’s faithfulness.

  Now on its 13th year, Pistang Kristiano 2009 will feature a fluvial parade along Manila Bay , a motorcade, tiangge, exhibits, dance contest, battle of the bands, photography contest and a lot more. Admission is free. For details, call 832-1120. Read the rest of this entry »

, , , , ,

No Comments


Ang Pabasang Kristiano

Ang Pasyon at Pabasang Kristiano

Ang Pasyong Kristiano  Ang Pabasang Kristiano ay isang bahagi ng malawak na larangan ng pagbawi ng kultura o cultural redemption para kay Hesus. Sa ministring ito, ang mga kaugalian, kultura at iba pang arte ng bayan na iniwasan, tinanggihan, at kadalasa’y niyurakan ng pagsulong ng ebanghelikong Kristianismo ay binabalikan, pinag-aaralan at ang maaari at marapat na linisin at gamitin ay binabawi (redeem) at iniaalay kay Hesus bilang handog at pahayag ng pagsamba.

  Isang pangunahing sangkap ng cultural redemption ang pagsala ng tradisyon sa Biblia at ang pagtatalaga ng mga lalampas sa “salaan” para sa pagsambang Kristiano. Read the rest of this entry »

, , , , ,

No Comments


Attend parties

  Attend parties. Just make sure that they are wholesome. Hindi yung pag-uwi ay bangag kayo. Hindi yung kung anu-ano ang pinaggagagawa nyo dun. Part of our life is to socialize. Be a joiner. Huwag kayong laging “Ayoko. Hindi ako sasama.” Niyayaya ka sa gathering, “Ayoko. Hindi ako sasama.” Pag ganyan kayo, hindi kayo maggu-grow to the fullest. Alam nyo rin naman dapat ang mga limitasyon. Huwag naman yung kayo ang nagbubukas ng party at kayo rin ang magsasara. Kailangan alam nyo rin kung kailan tamang umuwi. Hindi rin lahat ng party ay pinupuntahan. Papayagan kayo ng mga magulang nyo pag maganda ang record nyo. Pag sinabi nyong dun kayo pupunta, dapat dun kayo pupunta. Pag nagpaalam kayo kung anong oras ang uwi, ganoong oras dapat umuwi. Join parties so long as they are wholesome. Hindi naman kailangang maging prayer meeting yun. Hindi kailangang maging praise and worship. Join retreats and if you can afford, join youth exchanges. Sumali ka sa Youth for Understanding at sa iba’t ibang youth exchanges. Nakakapagpayaman yan sa inyong pagkatao. Read the rest of this entry »

, , , , ,

No Comments


Make friends with your brothers and sisters

  From the perspective of time, ang mga kapatid nyo ang talagang magiging tunay nyong kaibigan sa habang panahon. Kaya ngayon pa lang ay pakisamahan nyo na sila. Bakit nyo nakakaaway ang mga kapatid nyo? Kasi hindi nyo naman sila pinakikisamahan. Mas nakikisama kayo sa barkada nyo. Pag kabarkada, pinapautang. Pag kapatid, hindi. Pag kabarkada pinapahiram. Pag kabarkada, hindi tinatanggihan. Sinasamahan. Pag kapatid, hindi. Kaya hindi kayo magkakasundo. Mahalin nyo ang mga kapatid nyo. When all the chips are down, when other people betray you, ang mga kapatid nyo ang pinakahuling line of defense nyo sa buhay. Kung minsan, mas loyal pa yan sa inyo kaysa magiging asawa nyo. Ang asawa nang-iiwan. Ang kapatid, never. Kung susundin natin ang law of nature, mawawala ng mas maaga ang mga magulang natin. Ang mga kapatid ang magiging kasama nyo sa buhay. Read the rest of this entry »

, , ,

No Comments


Enjoy Your Family

  Hindi lahat ng tao ay may family. Kung meron naman kayong pamilya, malaking blessing yun. Habang buhay pa ang inyong mga lolo at lola, connect with them. Marami sa atin ang nakukulitan at nababaduyan sa ating mga lolo at lola. Subukan nyong iaplay sa kanila yung tula, If I reach out to you would you be there? Try to reach out because they will not always be around for long. Pag namatay ang lolo’t lola nyo, tapos na, wala nang bawian yun. The same is true with your parents. Do not neglect your parents. Ang reklamo ng maraming mga bata ay nini-neglect sila ng magulang. Hindi lang nyo napapansin, ang talagang mas guilty sa panahong ito ay ang mga anak. Sila ang nagni-neglect ng kanilang magulang. Ang alam kasi ng mga anak ay ang mga magulang lamang ang may obligasyon sa kanila. Read the rest of this entry »

, , ,

No Comments


Make a lot of good friends

  Kung ngingitian kita, ngingiti ka rin ba? Kung hindi ako ngumiti, ikaw ba ang unang ngingiti sa akin? Kung aabutin kita, nandun ka kaya at paaabot ka naman? Kung hindi kita inabot, ikaw kaya ang mag-iisip na abutin ako?

  There’s a lot of friendship that probably could have been made if only you had initiated. It is important that you initiate friendship. Bihirang tao ang tunay na suplado o suplada. Ang totoo sa kanilang pagkatao ay mahiyain lang. Defense mechanism lang nila ang pagiging snobbish. Ayaw um-attend ng sayawan dahil iniisip na wala namang papansin sa kanya. Ayaw niyang ngumiti dahil natatakot na baka hindi rin siya ngitian. Ayaw niyang makipagkaibigan dahil natatakot ma-reject. Read the rest of this entry »

, ,

No Comments


Get a Master’s Degree

   Get a Master’s Degree or a Ph.D. Kahit hindi kayo napakatalino, pag may Master’s Degree kayo, mukhang ang tali-talino ninyo. Pag may Ph.D kayo, mas lalo kayong igagalang, tatawagin kayong doctor. Maraming letra ang idurugtong sa pangalan nyo. Sa buhay na ito, mas marami tayong naa-accomplish pag iginagalang tayo. Kaya magpakadalubhasa pa kayo.

 
 

, , , , , , ,

No Comments


Learn fractions and percentages. Learn computer.

Learn fractions and percentages

  Ano ang 3/4 ng 100? Wow, 75. Ang galing nyo sa fraction. What is 20% of 54? Alam nyo kung minsan ang akala natin sa school, “Aanhin ko ba itong fraction-fraction? Aanhin ko ba itong percentages?” Pero buong buhay, lagi nyo yang gagamitin. Yung mga sine, cosine, tangent, cotangent, memoryahin nyo para pumasa kayo sa test. Huwag kalimutan lalo na kung mag-i-Engineering kayo. Pero ang percentages and fractions, you’ve got to know and remember by heart. Kailangan nyo yan sa buhay. Read the rest of this entry »

, , , , , , , , , , , ,

No Comments


Be in the right course

  Kailangan nasa tamang kurso kayo. Kung nasa mali kayong kurso, hindi kayo magbu-bloom. Halimbawang napakahina nyo sa Math, hindi kayo dapat mag-Accounting o Engineering. Baka nasa maling kurso kayo. Ngayon, kung balak nyong lumipat, tatandaan ninyo, kailangan may consent ang inyong parents. Sa kolehiyo, finish your general subjects at once. Yung mga PE at ROTC tapusin nyo agad. Maraming estudyante iniiwan yan. Minamaliit dahil PE lang. Ang totoo ay hindi kayo ga-graduate kung wala yan. Mas mahirap na kung nagti-thesis na kayo, malapit na kayong gumradweyt saka kayo magpapakalbo at mag-ROTC. Malaking abala. Kung ano yung nakalista sa inyong curriculum ay sundin nyo. Iyon kasi ang tamang sequence ng pag-aaral. Pag hindi nyo ginawa, kayo rin ang malulugi. Read the rest of this entry »

, , , , , ,

No Comments


Finish your schooling

Finish your schooling

  Hangga’t pinag-aaral kayo ng magulang o sinuman, mag-aral kayo. Pag pinag-aaral kayo ng inyong mga magulang, they are doing you a favor. Do not behave like you are doing your parents a favor by going to school. Finish your studies and learn from school. May iba nga diyan, may litrato pang nakatoga hindi naman pala talaga gumradweyt. Nagpakuha lang sa Morayta. Umarkila ng costume at nagpagawa ng diploma para maniwala yung mga magulang. You’ve got to finish your schooling. Privilege nyo kung kayo ay pinag-aaral, kasi kung hindi naman kayo pag-aaralin, ano ang gagawin nyo? Liban na lang kung you’re really talented and gifted. Wala kayong mararating pag pa-bilyar-bilyar, pa-absent-absent kayo. Usually ang magiging boss nyo yung mga kaklaseng laging nag-aaral. Mas marami kayong tinatawag na “ma’am” at “sir,” mas maliit ang inyong suweldo. Siguro ang ibig sabihin mas marami kayong absent nung nag-aaral kayo o hindi nyo tinapos ang inyong pag-aaral. Ngayon, kung dahil sa kahirapan kaya hindi kayo nakapagtapos, hindi nyo na kasalanan. Pero yung pinag-aaral kayo, tapos hindi kayo pumapasok sa eskuwela, kasalanan nyo pag hindi kayo umasenso sa buhay. Read the rest of this entry »

, , ,

No Comments



SetPageWidth